Tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Linggo na suportado ng pamahalaang lokal kontra harassment ng 34 na barangay sa buong Chinatown sa lungsod.
Ang pahayag ay ginawa ng alkalde, matapos na dumalo sa induction ng mga bagong opisyal ng Manila Chinatown Barangay Organization (MCBO) kasama sina Vice Mayor Yul Servo at City Administrator Bernie Ang na nagsisilbi bilang Senior Executive Adviser ng grupo noong Huwebes.
Ikinatuwa ng alkalde na muling binuhay ang MCBO upang tugunan ang mga suliranin na makakaapekto sa mga barangay lalo na sa Chinatown area.
“This is such a welcome development as we, in the city government of Manila, enjoin the citizens and our barangay officials to help us know and address all the problems that the city may have now or in the future,” ayon kay Lacuna.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Ang na nagbigay ng maikling backgroundng organisasyon sa nasabing pagtitipon na ang MCBO aymagsisilbing advisory body sa lungsod upang impormahan ito mga kaganapan sa lugar, gayundin ng mga pangangailangan nito.
Inaasahan na ang MCBO ay mag-uulat at makikipagtulungan sa pamahalaang lungsod sa mga isyu na nakakaapekto sa grassroots level na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng mgabarangays.
Ayon pa kay Ang, ang mga isyu na ito ay kinabibilangan ng harassment mula sa law enforcement bodies, dahil madalas na nagiging target ng mga panggigipit ay ang mga Chinatown residents.
Dumalo rin naman sa pagtitipon sina DILG Secretary Benhur Abalos , former Mayor Lito Atienza,Congressman Joel Chua,third district Councilors Apple Nieto, Fa Fugoso, Tol Zarcal at Justice Abad Santos General Hospital Director Dr. Merle Sacdalan na nagsilbing master of ceremony.
Sinabi ni MCBO Executive Adviser Nelson Guevarra angorganisasyon ay pinamumunuan niChairman Jefferson Lau bilang president at humalili sa datingpresident na si Chairman Bernard Go.
Ang MCBO ay itinayo noong panahon ni Mayor Atienza at binubuo ng 34 barangay na sumasakop sa lugar ngBinondo at San Nicolas.