KALINGA - Muling nagsagawa ng marijuana eradication ang pulisya, Naval Forces-Northern Luzon at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera na nagresultasapagkakadiskubre ng 20 na taniman sa apat na barangay sa Tinglayan kamakailan.
Umabot sa 444,900 piraso ng marijuana plants ang binunotat sinunog, kabilang ang 30 kilo ng marijuana dried leaves, isang kilong marijuana seeds mula sa 20 plantation sites samagkakahiwalayna lugar.
Sinabi ni Col.Peter Tagtag, Jr. ni Kalinga Provincial Police Office director Col. Peter Tagtag, Jr. tatlong taniman ang nadiskubre sa Bgry. Loccong.
Sinalakay din ng mga awtoridad ang anim na taniman sa Brgy. Tulgao West.
Sa karatig na Brgy. Buscalan, sinalakay din ng mga awtoridad ang limang plantasyon sa Brgy. Butbut Proper.
Wala namang naarestong suspek ang pulisya na nangakong paiigtingin pa ang anti-drug operation sa lalawigan.
Ang operasyon ay isinagawa noong Hulyo 18-23, ayon pa kay Tagtag.