Pinabulaanan ng mga bumubuo sa pelikulang "Maid in Malacañang" ang mga kumakalat na kuwentong nais raw sana ni Senadora Imee Marcos na ang magandang aktres na si Liza Soberano ang gumanap para sa kaniya, at dahil tumanggi ito, napunta raw ang role kay Cristine Reyes.

Kahit milyon daw ang talent fee na inoffer sa aktres na nasa America upang subukin ang career sa Hollywood, hindi raw ito pumayag dahil alam naman ng lahat na isang Kakampink si Liza o tagasuporta ng Leni-Kiko tandem noong nagdaang halalan.

Sa Facebook post ng VinCentiments, pinabulaanan naman ang isyu at tinawag itong "pink tsismis" o gawa-gawa lamang daw ng ilang mga Kakampink.

"Maaari namang kumpirmahin o pabulaanan ni Liza Soberano ang ipinakakalat ng mga Kakampink na inalok daw siya para gumanap na Imee Marcos," saad sa post.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Bilang bahagi ng produksyon, nais po naming ipaalam na maliban sa inggit na dulot pa rin ng pagiging talo sa na karaang eleksyon; ang balitang ito ay is. ng tsismis -pink tsismis," dagdag pa.

Screengrab mula sa FB/VinCentiments

Dahil umano sa pagiging Viva artist ni Reyes at personal choice talaga ng senadora, napunta rito ang role.

Ipalalabas ang pelikulang "Maid in Malacañang" sa Agosto 3 sa lahat ng mga sinehan nationwide.