TARLAC CITY -- Nagresulta sa isang sagupaan laban sa Top Priority Regional High Value Individual - Drug Personality ang mas pinaigting na anti-criminality campaign sa kahabaan ng Bypass Road, Brgy. Ungot sa probinsya nito, Sabado ng umaga, Hulyo 23.
Bandang alas-3:50 ng umaga, nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa nasabing lugar na nagresulta sa armadong engkwentro at pagkamatay ng Alyas Mart, Iisang watchlisted drug personality.
Nang maramdamang nakikipagtransaksyon siya sa isang police poseur buyer ay nagpaputok ito baril dahilan para gumanti ang mga awtoridad.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang Cal 9mm Armscor na may kasamang magazine at mga live ammunition, apat na basyo ng fire cartridge, apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na may hinihinalang shabu, dalawang piraso ng One thousand peso bill marked money.
Dinala ang bangkay ng suspek sa Lotus Funeral Homes para sa awtopsiya.
Nanawagan si Colonel Erwin Sanque, Provincial Director sa mga personalidad ng iligal na droga na itigil na ang ilegal na gawain sa lalawigan ng Tarlac.
“May this serve as a stern warning to those drug personalities who are still engaged in the distribution of illegal drugs.”
Dagdag niya, magpapapatuloy ang Tarlac Police Provincial Office sa pagsugpo sa mga ilegal na gawaing may kaugnay sa droga at iba pang kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.