Ikakasal na ang cosplayer na si Alodia Gosiengfiao sa negosyanteng boyfriend na si Christopher Quimbo.

Ito ang hatid na balita ni Alodia sa kaniyang milyun-milyong followers nitong Sabado, Hulyo 23.

Isang pitong minutong engagement video ang agad na nag-viral matapos ang anunsyo ng online personality.

“I guess I couldn’t imagine a life na without him,” sey ni Alodia sa kaniyang fiancé na inalala naman ang isang espesyal na pagtugtog nito sa isang piano na naging hudyat ng engagement.

Relasyon at Hiwalayan

Netizens, may napansin: Sam at Catriona, 'di magkatabi ng upuan sa eroplano?

Dagda ni Alodia, “Everything’s just fallen into place. Parang ‘di siya pilit. Hindi siya niru-rush or something. Parang napakaganda lang I guess, it’s very pure.

Pangako nama agad ni Christopher, “I’ll be good to her. I’ll be her greatest fan. I’ll treasure her.”

Sa video, makikita rin ang pagsasama ng mga espesyal na pamilya ng dalawa sa isang engagement gathering.

Basahin: Alodia, may bagong jowa na presidente ng isang wine company sa Pilipinas? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Abril nang pumutok ang balita kaugnay ng panibagon pag-ibig ni Alodia, limang buwan matapos ianunsyo ng online personality ang hiwalayan nila ng long-time partner na si Wil Dasovich.