Matapos ang matagumpay na paglulunsad ng digital series na “GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes” at “Ang Babae sa Likod ng Face Mask,” na lubos na tinangkilik ng netizens, muling maglalabas ang Puregold ng isa na namang serye na siguradong magpapakilig sa mga manonood. Ito rin ang kauna-unahang Pinoy Tiktok series na pinamagatang "52 Weeks."

Ang nasabing 36-episode digital series ay binigyang-direksyon ni Lemuel Lorca at mula sa produksyon ng award-winning filmmaker na si Chris Cahilig. Pagbibidahan ito ng Tiktok Superstar na si Queenay Mercado kung saan makakatambal niya ang 'It's Showtime' Ultimate BidaMan winner na si Jin Macapagal.

Jin Macapagal (Larawan mula sa Puregold)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Makakasama rin nila ang mga baguhang aktor na sina Derick Lauchengco na itinanghal na Misters of Filipinas Second Prince at ang kilalang Influencer na si Herbie Cruz.

“Super happy po ako na naging part ako ng series na ‘to,” pagbabahagi ni Queenay.

“Knowing na ito po ang kauna-unahang Filipino Tiktok series, I feel honored po talaga to be cast as leading lady!” Laking pasasalamat ng dalaga dahil sa unang pagkakataon, siya ang bibida sa kauna-unahang Tiktok series na ilalabas sa bansa.

Queenay Mercado (Larawan mula sa Puregold)

May mahigit 12.3 million followers si Queenay sa Tiktok. Inimbitahan niya na rin ang mga ito na panoorin ang bagong serye. “Para sa inyo po ang nakakakilig na series na ito! Sana po manood kayong lahat at patuloy na sumuporta sa akin.”

Ang kuwento ng "52 Weeks" ay ginanap sa mala-paraisong isla ng Cagbalete sa Mauban, Quezon. Gagampanan ni Queenay ang karakter ni Mina, isang 25-year-old hopeless romantic na certified NBSB (No Boyfriend Since Birth). Nais ng mga kaibigan ni Mina na sina Eya at Chem na maranasan ng dalaga ang magka-lovelife kaya determinado ang dalawa na mahanapan siya ng potential boyfriend sa loob ng 364 na araw o 52 weeks.

Misters of Filipinas Second Prince Derick Lauchengco at social media influencer Herbie Cruz

(Larawan mula sa Puregold)

Ipinaliwanag ng Puregold President Vincent Co kung ano ang kanilang inspirasyon sa pagbuo ng Puregold Channel. “As online content continues to flourish, we want to further drive Puregold retailtainment and connect with customers, old and new.”

Dagdag pa ni Co, nais nilang makapaghatid ng aliw sa mga Pilipino sa loob at labas ng Puregold stores sa pamamagitan ng makabagong paraan sa industriya ng media, “Puregold Channel is our platform for showcasing fresh and relevant stories. And launching this first-ever TikTok series in the country is another groundbreaking move that we’re proud of.”

Matatagpuan nga kaya ni Mina ang pag-ibig sa loob lamang ng 52 weeks?! Abangan ang unang episiode ng “52 Weeks” sa darating Miyerkules, July 27 sa opisyal na Tiktok channel ng @puregoldph.

Opisyal na poster ng 52 Weeks (Larawan mula sa Puregold)

Para sa updates, i-follow na rin ang @puregold.shopping sa Facebook, @puregold_ph sa Instagram at Twitter. Siguraduhin ding naka-subscribe ka sa YouTube Channel ng Puregold!