PAMPANGA – Hindi bababa sa 14 indibidwal na biktima ng human trafficking ang nasagip habang limang suspek ang arestado sa magkahiwalay na entrapment at rescue operations sa Balibago, Angeles City noong Hulyo 21.

Ang magkasanib na elemento ng Regional Anti-Trafficking in Persons Task Group 3, kasama ang Angeles City Police Station 4, Regional Maritime Unit 3, Regional Mobile Force Battalion 3, at Department of Labor and Employment 3 ay nagsagawa ng entrapment at rescue operation sa loob ng Club 123 na matatagpuan sa Walking Streets, Fields Avenue, Brgy. Balibago, Angeles City.

Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang bugaw na kinilalang sina Marites Dela Peña, 56, residente ng Mt. View, Balibago, Angeles City, at Beverly Tangcomoan, 34, residente ng Brgy. Feliza St., Malabanias, Angeles City.

Nailigtas ang 2 babaeng biktima na na-rekrut para mag-alok ng serbisyong seksuwal sa mga dayuhang mamamayan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, nasa 12 pang babae ang nasagip sa isinagawang entrapment at rescue operation sa Bacarra Bar sa Walking Streets, Fields Avenue, Brgy. Balibago, Angeles City .

Inaresto ng mga awtoridad si Minjae Yim, lalaki, 38, Korean National, kasalukuyang naninirahan sa 21-20 Rivera Lim G. Diamond Subd. Balibago, Angeles City; Arelida Cañete Ybañez, 40, ng Brgy.104 J De Guzman St. Balibago, Angeles City; at Daisy Ranola, 35.

Lahat ng mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9208 o ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003  na inamyendahan ng RA 10364 at RA 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.