Asahan na ang ipatutupad na bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE) nitong Biyernes.
"Magkakaroon po tayo ng rollback sadiesel, more than₱1.00 Ang kerosene more or less₱1.00. 'Di tayo sigurado sa gasoline, posibleng magkaroon ng kaunting increase or decrease or zero, walang adjustment," paliwanag ni Rino Abad, director ng Oil Industry Management Bureau, nang kapanayamin sa telebisyon.
Gayunman, hindi matiyak ng mga taga-industriya kung hanggang kailan ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.
"Hindi rin natin masiguro, not 100 percent, pero napakataas ng environment na favorable sa pagkakaroon ng tuloy-tuloy na na rollback," sabi pa Abad.
Kaugnay nito, iminungkahi naman ngEnergy Regulatory Commission (ERC) na utay-utayin ang hirit na dagdag-singil ng dalawang planta ng San Miguel Corporation para hindi masakit sa mga consumer.
Aabot sa₱5 bilyon ang inabono umano ng dalawang plantamula Enero hanggang Mayo dahil sa pagsirit ng presyo petrolyo na nais nilang singilin sa consumers.