Hawak na ngayon ng NLEX ang No. 6 spot sa quarterfinals sa PBA Philippine Cup nang ipahiya nito ang NorthPort Batang Pier, 109-95, sa Araneta Coliseum nitong Biyernes ng hapon.

Isa sa pangunahing sandata ng pagkapanalo ng Road Warriors si Raul Soyud dahil sa nakuhang 19 puntos at anim na rebounds. Taglay na ng NLEX ang barahang 6-5, panalo-talo.

Tumulong din sa pagkapanalo ng NLEX siCalvin Oftana sa naipong 18 puntos, walong rebounds at tatlong assists.

Nakuha muna ng NLEX ang 18 puntos na abante matapos ang halftime at lalo pa itong lumobo ng 27 puntos.

Karl Eldrew Yulo sinabihang 'wag magbago, 'wag gagaya sa kuya

Naibaba pa ng Batang Pier ang abante ng NLEX sa sumunod na huling yugto ng laro.

Gayunman, ipinakita pa rin ng Road Warrior ang kanilang lakas hanggang sa maiuwi nila ang tagumpay sa pagtunog ng final buzzer.

Ininda ng NorthPort ang pagkawala sa aksyon nina robert Bolick at Jamie Malonzo dahil sa health at safety protocols.

Dahil dito, nalaglag na sa kontensyon ang Batang Pier na taglay lang ang 3-8, panalo-talo.