Nabisto ng Social Security System (SSS) na hindi nagbabayad ng kontribusyon ang dalawang pribadong paaralan at 9 pang establisimyento sa Caloocan kamakailan.

Sinabi ni SSS-North Operations Group Vice President Fernando Nicolas, iniutos na nila sa mga nasabing delinquent company na bayaran na ang kontribusyon ng kanila-kanilangempleyado upang hindi na humantong sa hukuman ang usapin alinsunod na rin sa kanilangRun After Contribution Evaders (RACE) program.

Umabot na aniya sa₱1 milyon ang utang na SSS contributions ng bawat isa sa dalawang eskuwelahan.

Idinahilan aniya ng mga may-ari ng paaralan ang pagbaba ng bilang ng mga estudyante at nararanasang pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Gayunman, nangako ang dalawang may-ari ng dalawang eskuwelahan na aayusin na nila ang usapin dahil malapit na ang pagbabalik ng full implementation ng face-to-face classes.

"Magsisimula na mag-operate ulit ang ating mga school, so definitely baka may resources na 'yan. Hindi naman kailangan ibigay agad sa SSS ang earnings, puwede installment," sabi pa ni Nicolas.