Isinusulong na sa Senado ang legalisasyon ng marijuana na gagamitin lamang na panggamot sa may malubhang karamdaman.
Iniharap na ni Senator Robin Padilla ang Senate Bill No. 230 nitong Biyernes na humihiling na magkaroon ng pananaliksik sa medicinal properties ng marijuana o cannabis na ginagamit bilang gamot sa Asya, Gitnang Silangan at Africa.
Aniya, malawakan na ang paggamit nito bilang herbal medicine o paggamot ng "gout, rheumatism, malaria, at mahinang memorya."
Ayon sa mungkahing batas, maaaring gamitin ang marijuana bilang panggamot cancer, glaucoma, multiple sclerosis, damage to the nervous system ng spinal cord, epilepsy, HIV/AIDS, at rheumatoid arthritis or similar chronic autoimmune deficiency.
Ipinakula rin na magamit ang marijuana na panggamot sa matinding pagduduwal, problema sa pagtulog, mood disorders, migraine headaches, at iba pang debilitating medical conditions na tinukoy ng Department of Health sa pamamagitan ng Medical Cannabis Advisory Committee.
Itatalaga naman ang DOH bilang principal regulatory agency na magtatatag ng Medical Cannabis Compassionate Centers (MCCCs) sa mga public tertiary hospital.
Lilikha rin ang DOH ng prescription monitoring system at electronic database ng rehistradong medical cannabis patients at doktor ng mga ito.
Iminungkahi rin na susuriin ng Food and Drug Administration (FDA) ang cannabis products habang susubaybayanat kokontrolinnaman ngDangerous Drugs Board (DDB) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang medical cannabis.
Matatandaanginaprubahan ng mababang kapulungan sa 3rd at final reading ang panukalang batas noong Enero- 2019.