Itinanggi ng Malacañang na nagbitiw na sa puwesto si Vic Rodriguez bilang executive secretary.

Sa isang ulat mula sa isang anonymous source, binanggit ng nagbitiw sa posisyon si Rodriguez dahil sa pressure mula sa exclusive group na malapit sa administrasyong Marcos.

Kaagad ding pinasinungalingan niPress Secretary Trixie Cruz-Angeles ang naturang ulat.

Habang ginagawa ang balitang ito, wala pang inilalabas na pahayag si Rodriguez hinggil sa usapin.

Mga labi ng OFW na natagpuang patay sa kuwarto niya, naiuwi na sa bansa

Matatandaang naging kadikit niMarcos si Rodriguez nang kumandidato ang una noong 2016 elections. Natalo si Marcos sa nabanggit na halalan.