CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO -- Arestado ang dalawang indibidwal sa isinagawang entrapment operation ng Regional Anti-Cybercrime Unit 1 dahil sa ilegal na pagbebenta umano ng mga Gcash verified SIM card sa Brgy Carmen East, Rosales, Pangasinan noong Huwebes, Hulyo 21.

Katuwang ng Rosales Police, hinalughog ng Anti-Cybercrime unit ang isang food court sa isang mall sa Rosales.

Kinilala ni PCOL Domingo Dimarucut Soriano, Officer-in-Charge, RACU 1 ang mga suspek na sina Rodelyn Regelme, 31, may-ari ng tindahan at residente ng Brgy. Acop, Rosales at Frederick Liban , 39 at mula sa Brgy. Militar, Port Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija at kasalukuyang residente ng Brgy. Acop, Rosales.

Sinabi ng opisyal, ang entrapment operation ay nag-ugat sa cyber-patrolling na sinimulan ng RACU 1 kaugnay ng talamak na pagbebenta ng “SIM card with Gcash account” sa social media.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakipagtransaksyon ang nasabing yunit sa isang online seller ng nasabing SIM cards na may verified Gcash account gamit ang Facebook Account name na PareneoJena Rose na nagpakilalang isang "legit verifier."

Nakumpiska sa mga suspek suspek ang apat na cellphone unit, 22 Gcash verified SIM cards, pitong SIM card chips at halagang P25,000 na boodle money.

Dinala ang mga naarestong suspek sa Rosales Police Station para sa dokumentasyon at pansamantalang kustodiya bago para sa inquest proceedings para sa mga paglabag sa Sections 4(a), (5) at 4(b)(2) o (Misuse of Device) at Section 9 (b), (e), (k) ng RA No. 8484 o ang Access Devices Regulation Act of 1998 na sinususugan ng RA 11449 noong 2019 na may kaugnayan sa Seksyon 6 ng RA No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

"Karamihan sa gumagamit ng fake Gcash verified account ay ang mga taong scam ng pera o pagkolekta ng pera gamit ang hindi nila gcash account para hindi mabisto," saad ng isang online seller sa isang panayam ng Manila bulletin.

Nagbabala ang mga awtoridad sa publiko na huwag tangkilikin ang naturang ilegal na aktibidad.