KALINGA - Apat na plantasyon ng marijuana ang sinalakay ng mga tauhan ng Kalinga Police Provincial Office (KPPO), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera at Naval Forces Northern Luzon sa tatlong-araw na operasyon sa Barangay Buscalan, Tinglayan, kamakailan.

May kabuuang 15,000 piraso ng fully grown marijuana plants (FGMP) ang binunot sa 1,500 metro kuwadradong lupain at agad na sinunog.

Nagkakahalaga ng ₱3 milyon ang naturang iligal na droga na nadiskubre sa operasyon ng pulisya nitong Hulyo 19-21.

Nangako rin ang mga awtoridad na paiigtingin pa nila ang anti-drug operations, hindi lang sa Kalinga kundi sa buong rehiyon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa Tabuk City, isa namang estudyantengitinuturing na high-value individual ang inaresto ng pulisya sa ikinasangbuy-bust operation sa Purok 6, Bulanao Centro, Tabuk City nitong Huwebes.

Kinilala ang nadakip na siSelly Marie Kitongan Canao, alyas "Blessy", 20, at taga-Ileb Nambaran, Tabuk City.

Ayon sa pulisya, matagal na nilang sinusubaybayan ang modus operandi ng suspek sa pagbebenta ng iligal na droga hanggang maaresto sa ikinasang anti-drug operation.

Nasamsam sa suspek ang₱34,000 na halaga ng illegal drugs.

Nakapiit na ang suspek habang inihahanda pa ng pulisya ang isasampang kaso laban sa kanya.