Ipinahayag ng aktres na si Rita Avila ang kaniyang sama ng loob sa walang humpay na pambabatikos ng bashers kay dating Vice President Atty. Leni Robredo, at sa kaniyang inilunsad na "Angat Buhay Foundation".

Ayon sa Facebook post ng aktres noong Hulyo 19, bagama't marami ang nag-aangat ay marami pa rin ang pilit na naglulubog sa magandang adhikain ng dating pangalawang pangulo ng bansa.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"May pilit na nag-AANGAT, may pilit din na nag-LULUBOG."

"Bakit pilit nilulubog ang pag-aangat sa buhay ng mga Pilipino?"

"Bakit pilit na hinahanapan ng mali ang maliwanag na tama samantalang ang maliwanag na mali ay hindi makita?" ani Avila.

Dagdag pa, tila iba na raw ang takbo ng panahon ngayon dahil kung ano ang katotohanan ay nagiging kasinungalingan, at ang kasinungalingan ay nagiging katotohanan.

"Iba na ang panahon ano?"

"Ang katotohanan ang kasinungalingan. Ang kasinungalingan ay katotohanan."

"Ang pandemya ay hindi man lang naging paala-ala sa atin na ipagbuti ang katawan at kaluluwa."

Ooops, di ako 100% na mabuti. Pero mas maganda naman kung 60% ang mabuti sa atin kaysa 60% ang masama. May pag-asa pa. Meron pa. Sana kasama ka sa mag-aangat," dagdag pa niyang mensahe.

Ibinalita rin ni Rita ang muling pagbabalik ng Bayanihan e-Konsulta na dati pang programa ng Office of the Vice President sa panunungkulan ni Robredo.

"Dahil sa pagdami na naman ng Covid cases dito sa atin, magbubukas pong muli ang Bayanihan e-Konsulta! Bilang paghahanda, mangangailangan ang programa ng fifty (50) non-medical volunteers at forty (40) medical volunteers (na maaaring madagdagan sa susunod na mga araw depende sa bilang ng request) para sa iba’t ibang bahagi ng ating operasyon."

"Remote setup o work-from-home pa rin po ang lahat ng ating volunteers. Siguraduhing may sariling computer/laptop, smartphone, at internet connection para sa e-konsulta," paalala ni Robredo.

Si Rita Avila ay isa sa mga masungid na Kakampink o tagasuporta ng Leni-Kiko tandem noong nagdaang halalan.