Ang pinakamatandang lalaking higanteng panda sa mundo na nasa ilalim ng pangangalaga ng tao na si An An ay pumanaw na nitong Huwebes sa edad na 35 — katumbas ng 105 taon para sa mga tao.

Kamakailan lamang, napabalitang na patuloy na nawawalan ng gana si An An at nasa hindi magandang sitwasyon.

Ayon sa awtoridad ng Hong Kong Ocean Park, ang naging tahanan ni An An, pagkatapos kumonsulta sa China Conservation and Research Centre for the Giant Panda, ang mga beterinaryo mula sa Ocean Park at ang Agriculture, Fisheries and Conservation Department ay humantong sa mabigat na desisyon na i-euthanize si An An.

Namatay ang centenarian panda bandang 8:40 ng umaga (GMT+8) sa loob ng kanyang tahanan sa The Hong Kong Jockey Club Sichuan Treasures sa Ocean Park.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

"The Park will host condolence books at The Hong Kong Jockey Club Sichuan Treasures. If you are not able to visit in person, you can leave the condolence in the comment section on the pinned post to pay tribute to An An," pahayag ng Ocean Park.

Si An An, na ipinanganak sa lalawigan ng Sichuan sa timog-kanlurang Tsina, ay dumating sa Hong Kong noong 1999 kasama ang isang babaeng panda na nagngangalang Jia Jia bilang regalo mula sa Beijing sa lungsod.