May patutsada ang batikang direktor na si Joel Lamangan tungkol sa pelikulang "Maid in Malacañang" ni Darryl Yap.

"Kailangan balikan natin kung ano nga ang intensyon ng pamilya ito at gustong bumalik nanaman sa Malacañang. Malinaw naman na sinasabi nila, gusto nilang takpan kung anuman ang nangyari na ginawa ng tatay nila. Sinasabi yan ni Imee Marcos, sinasabi nilang lahat... upang takpan ang lahat ng katarant*duhan na ginawa ng pamilya nila," paunang sabi ngbatikang direktor.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sinabi ito ni Lamangan sa campaign launch ng‘Never Again, Never Forget’ ML50 ngayong Huwebes, Hulyo 21, na minamarkahan ang ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ng yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. noong 1972.

"Lahat ng gagawin nila, kung anumang programa ang gagawin nila ay upang takpan ang kawalanghiyaang ginawa ng kanilang ama at ng kanilang pamilya. Yun ang paniniwala ko at yun ang ineexpect kong gagawin nila dahil yun talaga ang nais nilang mangyari," aniya.

"Nag-uumpisa na sila. Gumawa sila ng pelikulang katar*nt*duhan, pera ng bayan yan... Anong drama yun? Drama ng pagtatakip para kaawan ng tao yung pamilyang yun. Ang tawag nga doon sa mga pumunta ng Malacañang noong panahon na yun, akyat bahay daw? Inakyat ang Malacañang, akyat bahay. Tingnan mo? Nag-uumpisa na sila.

"Dapat hindi natin ito palagpasin. Dapat tingnan ulit natin ito bilang distortion ng katotohanan. Nag-uumpisa na sila. Dapat mulat tayong lahat," paglalahad pa niya.

Ispluk pa ng direktor na manunuod daw siya ng Maid in Malacañang. Kapag napanood na raw niya ay gagawa siya ng pelikula laban dito.

"Manonood ako. Titingnan ko yung katar*nt*duhan ang ginagawa nila at sinasabi nila. At sasabihin ko sa mga tao na hindi totoo ang lahat ng ito at gagawa ako ng pelikula laban dito," patutsada pa niya.

Sa ngayon malabo pa umano ito dahil kailangan nila ng producer na kayang mag-produce ng isang 'historical movie.'

Ang Maid in Malacañang ay prinoduce ng Viva Films, na kung saan iikot ito sa side story ng pamilya Marcos, 72 oras bago maganap ang EDSA People Power Revolution na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa puwesto, sa mata ng “reliable source.”

Nakatakda itong mapanood sa mga sinehan sa Agosto 3.