Matapos ang halos siyam na buwang pamamahinga at pagpapalamig matapos ang kinasangkutang kontrobersiya sa ex-girlfriend ay muling nagbabalik sa limelight ang Korean superstar na si Kim Seon-ho, na nakilala bilang "Good Boy" sa original series na "Start-Up" at nagpakilig naman sa "Hometown Cha Cha Cha".

Nasangkot si Good Boy sa kontrobersiya matapos niyang amining siya ang aktor na tinutukoy ng isang blind item, na inutusan ang ex-girlfriend na sumailalim sa aborsyon kapalit ng pangakong ihaharap ito sa dambana upang pakasalan.

Umani ito ng batikos mula sa mga netizen at nagkaroon pa ng panawagang tanggalin siya sa Hometown Cha Cha Cha.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, bibida si Seon Ho sa papel na Joe Simpson sa stage adaptation ng 2013 docu-drama movie na "Touching the Void". Makakasama niya umano rito sina Lee Hwi-jong, Lee Jin Hee, at Shin Sung-min.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Noong Hulyo 20 raw ay nagsagawa na ng media conference ang direktor ng "Touching the Void" sa isang teatro sa Jongno-gu, Seoul, South Korea. Bago raw magsimula ang presscon proper ay nauna munang lumitaw sa entablado ang aktor, hawak ang isang apology letter.

Naging emosyunal daw ang aktor nang basahin ang kaniyang apology letter.

"I am truly sorry for causing concern to many people with bad news. Looking back, I have reflected a lot on my shortcomings," bahagi ng paghingi niya ng tawad tungkol sa kontrobersiya.

Ito na ang pangalawang public apology ng aktor kaugnay sa isyu.