LA TRINIDAD, Benguet – Nadakip ng magkasanib na tauhan ng Benguet Provincial Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera ang isang grab driver at coffee shop manager sa isinagawang buy-bust operation noong Martes ng Gabi, Hulyo 19, sa Barangay Puguis, La Trinidad, Benguet.

Kinilala ang mga nadakip na sinaRandall Lee Pulacan Dominguez, 33, alyas Noynoy, grab driver, tubong Poblacion, Bauko, Mt. Province at residente Dizon Subdivision, Baguio City at Gianne Salucan Laca, 24,coffee shop manager at residente ng Barangay San Vicente, San Fernando City, La Union

Sinabi ni Col. Reynaldo Pasiwen, provincial director, si Dominguez ay kabilang sa High Value Individual (HVI) na matagal ng sinusubaybayan ng pulisya kaugnay sa pagbebenta nito ng shabu na front ang pagiging grab driver, samantalang ang kasabwat nitong si Laca ay kabilang sa Street Level Individual (SLI).

Isinagawa ang buy-bust operation na nasaksihan ni Puguis Barangay Chairman Tyron Diaz at Prosecutor Jon Jon Amcay, DOJ representative, nang ibenta ni Dominguez sa poseur buyer ang 3.36 gramo ng shabu na may halagang P22,848.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakuha naman kay Laca ang isang plastic sachet na naglalaman ng 0.54 gramo ng shabu na may halagang P3,672.

Bukod sa illegal drugs ay nakuha din sa mga suspek ang mga boodle money na ginamit sa buy-bust; isang Blue Tecno Spark touch screen cellular phone na may black casing; isang White Samsung A32 touch screen cellular phone with casing; isang brown wallet na naglalaman ng IDs at pera; isang red pouch na naglalaman ng susi at pera; isang blue red lighter at ATM/credit cards.