Ipinarerekonsidera ng grupong Bayan Muna sa Korte Suprema ang desisyon nitong nagpapatibay sa pag-apruba ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa taas-singil sa kuryente ng Meralco.
Nitong Huwebes, naghain ng apela ang grupo sa Supreme Court upang hilinging hadlangan ang Meralco sa kanilang pinakamataas na power rate increase sa kasaysayan at hindi ito ordinaryong pass on charge sa consumers.
Sa mahigit 30 pahinang motion for reconsideration, hiniling ng grupo sa mga mahistrado na muling pag-aralan ang petisyon at ibasura ang ruling nito na pumapabor sa dagdag-singil.
Tinatayang₱10 kada kilowatt hour (kWh) angmadaragdagsakasaluyangpower rate na nasa kasalukuyang₱9/kWh.
Una nang inihain ng grupo ang petisyon laban sa Meralco power rate increase noong 2013.
Nagpalabas naman noon ng temporary restraining order ang korte suprema na pumigil sa loob ng halos isang dekada sa dagdag-singil sa kuryente.
Gayunman, kinatigan ng Korte Suprema ang ERC ruling na sang-ayon sa Meralco hike sa botong 6-5.
Binigyang-diin ng grupo na hindi ang mga konsyumer ang may kasalanan sa pagtaas ng presyo sa kuryente kundi ang mismong nasa power sector.
Nanindigan ang petitioner na umabuso sa kapangyarihan ang ERC sa mabilisang pag-apruba sa staggered power rate hike ng Meralco sa halip na magsagawa muna ng mag-imbestiga.