Naglunsad ang tanggapan ni Senador Alan Peter Cayetano ng isang patimpalak sa pagsulat ng sanaysay para sa Senior High School students, na may premyong ₱10,000.

Mababasa ang panawagan sa Senior High School Essayists sa kaniyang opisyal na Facebook page, Hulyo 20, 2022. Kalakip nito ang infographics ng guidelines o panuntunan.

Narito ang Facebook post:

"ATTENTION ALL SENIOR HIGH SCHOOL ESSAYISTS!"

"Show us your passion for writing!"

"The office of Senator Alan Peter Cayetano invites you to join its Essay Writing Contest, open to all Senior High School Students in both public and private schools."

"Participants are asked to write a 750-word essay answering the question: Kung ikaw ang Pangulo ng bansa at magbibigay ng SONA, ano ang ipaaabot mo sa mga kababayan mo?"

"There are two categories, English and Filipino, but a candidate is only allowed to submit one entry."

"Please submit your entries on or before July 25, 2022 at 12:00PM."

"The best essayists from each category will receive a cash prize of ₱10,000. See the full contest mechanics and details in the upcoming posts. May GOD bless you all!"

Matatandaang nag-trending si Cayetano matapos hindi makalimutan ng mga netizen ang pangako niyang ₱10K ayuda o cash assistance sa bawat pamilyang Pilipino noong kasagsagan ng mga community quarantine dulot ng pandemya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/25/cayetano-naispatan-sa-isang-mall-hiniritan-sa-ipinangakong-%e2%82%b110k-na-ayuda/">https://balita.net.ph/2022/06/25/cayetano-naispatan-sa-isang-mall-hiniritan-sa-ipinangakong-₱10k-na-ayuda/

Noong Hulyo 1, 2022, napabalita ang paghahain niya ng "10K Ayuda Bill" sa Kamara, na kaiba sa "Sampung Libong Pag-asa” program na pinopondohan ng pribadong sektor.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/01/alan-cayetano-ihahain-ang-%e2%82%b110000-ayuda-bill-may-mensahe-sa-mga-tumutuligsa/">https://balita.net.ph/2022/07/01/alan-cayetano-ihahain-ang-₱10000-ayuda-bill-may-mensahe-sa-mga-tumutuligsa/