Marami ang nagulat sa balitang nagkaroon umano ng brain aneurysm ang abogadong si Atty Bruce Rivera, ayon sa rebelasyon ng kaibigan niyang si MJ Quiambao Reyes noong Hulyo 20.

Ngunit bago ang direktang pag-awin ay nag-post muna si Reyes ng isang fund-raising na art auction para sa isang kaibigang nasa kritikal na kondisyon.

"Guys, I need to raise some funds urgently for a dear friend who's in critical condition. I am auctioning these 4 paintings. Minimum bids are on each photo. Minimum increment for bidding is at least 500 pesos from the last bid," bahagi ng kaniyang caption.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Bandang tanghali ay nagsagawa ng Facebook Live si Reyes at dito na niya inaming nasa kritikal na kondisyon ang kaibigang si Atty. Rivera, na isang masugid na tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

"Please pray for our dear friend Bruce Rivera who suffered (an) aneurysm. He is scheduled for a surgery at 8PM. Please help us storm heaven with prayers. Thank you," aniya sa isang bukod na Facebook post.

Bandang 9PM ay muling nagsagawa ng Facebook Live si Reyes. Ibinalita niya ang on-going surgery kay Rivera.

Ngayong Hulyo 21 ng madaling-araw ay muling nagbigay ng update si Reyes.

"The operation is finished. The surgical team worked very hard. The hematoma in the brain was removed. Bruce is now out of the OR and back in ICU (for monitoring & observation of brain activity, etc.). Let us continue to pray for our dear friend Bruce. Thank you."

Bago ma-comatose dahil sa aneurysm ay nakapag-Facebook post pa ang abogado patungkol kay dating senador at vice presidential candidate Atty. Kiko Pangilinan.