ISABELA -- Nakatanggap ng tig-P20,000 ang 91 na Former Rebels (FR) bilang Livelihood Settlement Grants sa ilalim ng Sustainable Livelihood ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-RO2) at PhilHealth Cards mula Local Health Insurance Office - Isabela nitong Huwebes, Hulyo 21, 2022 sa Provincial Capitol Amphitheater, Alibagu, Ilagan, Isabela.

Ayon kay BGen. Danilo Benavides, 502nd Infantry Brigade Commander, ang natanggap na pera ay parte ng implementasyon ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) cluster sa ilalim ng Executive Order 70  – Ending Local Communist Armed Conflict (ELCAC).

Samantala, sinabi ni DSWD Regional Director Cezario Joel Espejo na ang DSWD ay isa sa mga pangunahing ahensya para wakasan ang "insurgency."

Ito ay may mandato ng pagpapalawak ng proteksyon sa mga sektor kagaya ng FRs.

House Sergeant-at-Arms kay VP Sara: 'Pinagbigyan pero sumobra!'

 “Buong loob ang DSWD, iba’t ibang kagawaran at ahensiya ng gobyerno para kayo ay tulungan, makaahon at makabangon muli,” ani Espejo.