Muli na namang pinatunayan ng P-pop Kings SB19 ang kanilang popularidad sa international scene matapos pumasok sa listahan ng best boy bands ng isang American digital magazine.

Sa isang artikulo na inilathala noong kamakailan, kahanay ng SB19 ang naglalakihang boy bands sa kasaysayan kabilang ang The Beatles, One Direction at Boys II Men.

Nakipagsabayan din ang five-member group sa global popularity ng Korean pop male groups kabilang ang Powerhouse BTS, EXO, Bigbang, SHINee at SEVENTEEN.

“Josh, Pablo, Stell, Ken, and Justin are the five members of the Filipino boy band known as SB19. They were formed in 2016 after winning a talent search, going on to release a studio album along with eight singles. They’ve continued achieving heights of popularity in early 2022 with the release of their hit “Bazinga,” mababasa sa artikulo ng Teen Vogue.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ilang makasaysayang rekord para sa Philippine music scene ang naukit na ng SB19 kabilang ang kauna-unahang Southeast Asian and Pinoy act na nominasyon ng grupo sa Top Social Artist Category ng Billboard Music Award 2021 kahanay sina Ariana Grande, at ang K-pop leading players BTS, Blackpink, at SEVENTEEN.

Ang P-pop group ang kauna-unahang sinanay sa ilalim ng Korean entertainment system. Kilala ang SB19 sa mga kantang “Mapa,” “What,” “Go Up,” “Tilaluha,” bukod sa iba pa.

Samantala, ang official music video ng “Bazinga,” pinakahuling single ng grupo ay tumabo na ng mahigit 6.1 million views sa YouTube sa pag-uulat.