‘Di maiwasang kiligin ni Kapuso actor Rayver Cruz sa isa pang mensahe ni “Asia’s Limitless Star” Julie Anne San Jose para sa kaniyang ika-33 kaarawan ngayong Miyerkules.

Sa isang Instagram post, muling binati at nagpaabot ng mensahe si Julie sa aktor, at kaniyang manliligaw.

“Today is your day and I could not be more proud and happy about all the good things that are coming to you and what you have accomplished. May you continue to inspire with all your passion and kindness because you make so many people happy and even a better version of themselves, even me,” mababasa ang sweet na mensahe sa Instagram post ni Julie.

Dagdag ng singer, aktres at host, handa siyang maging sandalan ng aktor sa mga panahong may duda ito sa kaniyang sariling kakayahan.

Teleserye

'Camille,' isiniwalat na ang dahilan kung bakit 'di pa nanganganak sa 'Batang Quiapo'

“As the sun sets and today passes, always remember that you are amazing! You, in your own essence, are the best. I am more than grateful and blessed to witness this each day,” sey ni Julie at sunod na binati ng “happy birthday” ang aktor.

Basahin: Julie, may matamis na mensahe para sa kaarawan ni Rayver: ‘I feel the happiest when I’m with you’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tugon naman ng birthday boy na si Rayver, “Thank youuuu sa lahat lahat my everyday inspiration 🥹 mahal kita Jules 😘♥️.”

Matatandaan na noong Marso, sa mismong birthday party ni Julie, ay buong tapang na ipinahayag ni Rayver ang kaniyang intensyong maging bahagi ng buhay ni Julie bilang romantic partner.

“Gusto ko lang sabihin is nandirito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal. Kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at Tita, palagi lang akong nandito. Mahal kita. Happy birthday,”kinakiligang mensahe ng aktor kay Julie sa harap mismo ng Kapuso singer, pamilya at mga kaibigan.

Basahin:Intimate birthday party ni Julie Ann San Jose, star-studded! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ngayong 2022 unang maiulat ang espesyal na ugnayan ang dalawa. Noong Abril, nagkatrabaho sina Rayver at Julie sa kamakailang “Limitless” concert ng singer.