Hindi na papayagang makalabas ng bahay ang mga pusa sa ilalim ng panukalang regulasyon sa Australia dahil sa isang seryosong dahilan.

Ayon sa isang ulat kamakailan, umaabot na sa 740 na mga lokal na hayop ang taon-taong napapatay ng mga pusang ligaw o feral cats sa Australia.

Dahil dito, ang pamahalaan na ang nagtakda ng regulasyon para makontrol ang bilang mga pusa sa mga lansangan at mapigilan ang bilang ng napapatay na lokal na hayop.

Bagaman kailangan pa ng Parliament of Western Australia na maaprubahan ang naturang panukala, kung makakalusot ay pagbabawalan din ang mga pusa na gumamit ng mga daanan sa kanto, o mga kalsada maliban na lang kung sila ay nakatali kasama ang kanilang fur-parent.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa bahagi ng Canberra, lahat ng mga bagong pusa ay kailangan nang manatili lang sa loob ng bahay simula ngayong Hulyo, habang nauna nang umiral ang parehong regulasyon sa Victoria.

Isang konseho rin sa Victoria ang nagpatupad ng lokal na batas na nagbabawal na makaalis ang mga pusa sa labas ng property ng kanilang fur-parents.

Ang bagong regulasyon ay magiging epektibo naman sa Hulyo 2023.