Sa natitirang dalawang leg ng American tour ng “Iconic” nina Megastar Sharon Cuneta at Asia’s Songbird Regine Velasquez, lalo pang lumalim ang pagkakaibigan ng concert duo.

Sa isang mahabang Instagram post, Miyerkules, nakakaantig na mensahe ang ipinaskil ni Mega para sa kaniyang “Nana” na si Songbird.

“Not since ZsaZsa @zsazsapadilla in 1984 and Juday @officialjuday in 2002 have I 'fallen this much in love' with a co-performer/co-actor - until this woman –Regine,” pagbabalik-tanaw ni Mega.

Unang nagkatrabaho si Sharon at Regine para sa two-night “Iconic” Araneta Coliseum concert noong 2019.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“But we didn’t have much time after the shows because of family, work, & Covid. Now, during this tour, I feel much closer to her & have truly come to love her with all my heart. She calls me ‘Ate’ & I call her ‘Nana’ or ‘Baby Nana,’” kuwento ni Mega.

Kay Regine lang ani Mega naramdaman ang tunay na pag-aalaga ng isang kaibigan at co-performer “in such a long, long time.”

Nasa North America pa rin ang dalawang icons para sa kanilang huling tatlong shows sa July 22-23 sa Pechanga Resort and Casino sa Temecula, California at July 24 sa Benaroya Hall sa Seattle, Washington.

Basahin: Unang leg ng ‘Iconic’ concert nina Sharon at Regine sa Amerika, jampacked! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pagsisiguro ni Songbird, umiinom parati si Sharon ng sapat na tubig habang nagpapatuloy ang concert, gayundin ang pag-inom ng gamot ni Mega.

“She makes sure I take my meds, rest my voice -AND she has also become my singing teacher (how blessed am I?)! She’s taught me a few tricks which I had never used before to be able to hit some of my high notes and better! We are always seatmates on the plane (we’ve already flown four times together) & she is just so perfect & so much fun to be with,” dagdag ni Mega.

Para kay Sharon, isang mas malaking blessing aniya ang matawag na isang kaibigan si Regine.

Sa ilang panayam ni ">Regine, aminado ang OPM veteran na isa si Sharon sa mga naging idolo niya noong nagsisimula pa lang siya sa industriya.

Matapos ang ilang dekada, matalik na pagkakaibigan naman ang nabuo ng concert duo.