Nanatiling propesyunal si Andrea Brillantes sa kaniyang pagbibigay-buhay sa isang karakter ng inaabangan nang musical series na “Lyric and Beat” kung saan muli niyang nakatambalan ang ex-boyfriend na si Seth Fedelin.
Pag-amin ni Andrea, matapos ang pinag-usapang hiwalayan nila ni Seth Oktubre noong 2021 ay sinubukan nilang ayusin pa ang kanilang relasyon hanggang Nobyembre, sa parehong taon.
Sa isang panayam ng aktres kay Karen Davila kamakialan, sinabi nitong ang break-up nila ni Seth ay tinuturing niyang “biggest heartbreak.”
Kaya naman hindi maiwasang matanong ng ilang ">vloggers ang naging set-up ni Andrea at Seth habang binubuo ang serye noong Enero hanggang Pebrero 2020, higit dalawang buwan lang matapos humantong sa hiwalayan ang kanilang relasyon.
“Since twelve years na po ako nasa industry, it’s always been one of my rules na unahin talaga ang work,” saad ni Andrea habang sinabing “maliit na bagay” lang ang maging propesyunal sa filming set kahit na mayroon siyang pinagdadaanan noong mga panahon na ‘yon.
“Pag nagta-trabaho po kasi ako, hindi ko iniisip [yung] sarili ko lang,” dagdag ni Andrea na ayaw niya ring maging abala sa iba pang bahagi ng production.
“Ayokong maging pabagal, pabigat sa trabaho kasi ang selfish naman po nun.”
Dagdag ni Andrea, naging civil lang ang turingan nila ni Seth sa Baguio kung saan binuo ang serye.
Samantala, aminado naman si Andrea na may panghihinayang siya sa naging relasyon nila ni Seth, hindi para sa sarili kundi para sa fans.
“Hindi ‘yong panghihinayang sa relationship namin kasi tapos na ‘yun and if it’s not meant to be, it’s not meant to be. Some things never really work out,” sey ni Andrea.
“Nung pinanuod ko siya [Lyric and Beat], parang nanghinayang lang ako and naisip ko lang ‘yung fans ko kung mas masasaktan ba sila, or like mas lalo silang manghinayang,” pakikisimpatya ng aktres sa kaniyang fans.
Dagdag ng 19-anyos na si Andrea, ayaw niya ring madawit pa ang bagong proyekto sa mga naging isyu ng relasyon nila ni Seth.
Nanatili namang supportive aniya ang kasalukuyang dyowa na si Ricci Rivero sa kaniyang panibagong project.
Sa Agosto 10, mapapanuod sa I Want TFC ang musical series na “Lyric and Beat,” tampok ang mga kanta ni Jonathan Manalo.
Makakasama si Andrea ang ilang maningning na young Kapamilya artists kabilang sina Darren Espanto, Kyle Echarri, AC bonifacio, Awra Briguela bukod sa iba pa.
Ang programa ang brand new offering ng Dreamscape Entertainment sa mga Pilipino saan mang panig sa mundo.