Nakapagtala pa ang Pilipinas ng 8216 kaso ng Omicron BA.5 subvariant, ayon sa pahayag ng Department of Healt (DOH) nitong Miyerkules.

Sa isang pagpupulong, binanggit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na natukoy pa ang nasabing bilang lahat ng rehiyon sa bansa, maliban na lamang sa Bangsamoro region.

Karamihan aniya sa tinamaan ng subvariant ay returning overseas Filipinos (ROFs).

Bukod dito, naitala rin ng DOH ang 42 pang kaso ng Omicron BA.4 subvariant sa bansa.

Probinsya

30-anyos transwoman, pinatay ng nobyo

Sa naturang kaso, 10 nang naitala sa Region 12, siyam sa Region 11, pito sa Region 6, apat sa Metro Manila at Region 5, tatlo sa Region 4A at tig-isa sa Cordillera Administrative Region at BARMM. Tatlo ring ROFs ang nasuring nagpositibo sa sub variant.

Kabilang na ang sister variants na BA.4 at BA.5 sa naidagdag sa monitoring list ng World Health Organization (WHO), gayunman, itinuturing ito ngEuropean Center for Disease Prevention and Control bilang variants of concern.

Nauna nang inihayag ni Vergeire na na hindi nakalilikha ng critical o severe infection ang nabanggit na sister variants at halos magkapareho lamang katangian.

Kaugnay nito, umabot naman sa 52 na bagong BA.2.12.1 cases ang na-detect pa sa Region3, 5, 6, 7, 9, 11, 12, 4A, CAR, CARAGA, at Metro Manila.