Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento ang national costume ng isa sa mga kandidata ng "Binibining Pilipinas" na si Gabrielle Camille Basiano, mula sa Borongan City, Eastern Samar.

Bago ang aktuwal na national costume presentation ay ipinasilip muna ito sa opisyal na Instagram page ng Binibining Pilipinas. Ang designer umano ng natcos na ito ay sina Ken Batino at Jevin Salaysay.

"Revered for her humility and motherly love, the Virgin Mary is the ultimate symbol of a WOMAN!"

"An homage to Padul-Ong Festival, a mythical presentation that unfolds the story on how the image of the Virgin Mary was mysteriously transported from Portugal to Borongan, Eastern Samar, celebrated every September 8 of the year," ayon sa kanilang caption.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Ibinida rin ito sa Facebook post ng isa sa mga designer na si Ken Batino, at naka-tag kay Basiano.

May mga labis na natuwa kay Binibini 28 nang irampa na niya ito noong Hulyo 16 sa natcos presentation.

Ngunit halo-halo naman ang naging reaksiyon at komento rito ng mga netizen, na mababasa sa comment section ng IG post ng Binibining Pilipinas.

"Ang ganda! Bagay sa kaniya, para talaga siyang si Mama Mary."

"Isn't this blasphemous?"

"Appreciated the art but is this fine with respecting religion (Catholicism)?"

"It is a NO for me… it is pretty but Mother Mary and her image is not a costume. Nahihirapan ako gustuhin ito."

"WOW. I am a Catholic and I don’t find any problem or feel insulted with this wonderful costume."

"Yes she looks immaculate, angelic face pero sa opinion ko lang naman it’s a big NO for me para sa National Costume."

"I don't see any problem with that at all… sabi nga ang tunay na Diyos ay hindi yung mga rebulto at huwag kang sasamba sa mga inukit na diyos-diyosan lamang."

"Mama Mary on pageantry.This has gone over the top.Though it looks beautiful but still it's still a NO."

"She really graced us with this concept when she went viral last year, kasi kamukha niya si Mama Mary."

Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag ang mga designer ng national costume na ito o maging si Basiano.

Ang coronation night ng Binibining Pilipinas ay magaganap sa Hulyo 31 sa Smart Araneta Coliseum, na iho-host nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Grand International Philippines 2016 Nicole Cordoves.