BALBALAN, Kalinga – Nadakip ng pulisya ang isang construction worker na tinaguriang No.1 Municipal Top Most Wanted Person na may kasong panggagahasa sa menor de edad sa bayan ng Balbalan, Kalinga.

Dinakip ng mga tauhan ng Balbalan Municipal Police Station noong Lunes, Hulyo18 ang suspek na si Herman Mayao Agnas, 60, construction worker at residente ng Barangay Gawa-an Balbalan, Kalinga.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ni Capt. Benjo Torres, chief of police ng Balbalan Municipal Police Station, angpag-aresto ay ginawa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Randy Bulwayan, ng Branch 39, Regional Trial Court, Lubuagan, Kalinga sa kasong paglabag sa Anti-Rape Law of 1997(Republic Act 8353) na walang piyansa.

Noong Abril 7, 2022 sa Barangay Gawa-an Proper, Balbalan, Kalinga ay sekswal na inabuso umano ni Agnas ang isang menor de edad na biktima at pinagbantaan ng suspek gamit ang bolo.

Ang inaresto ay nakalista bilang Number 1 Top Most Wanted Person para sa 2nd Quarter CY 2022, Municipal Level. Ang Alternative Recording Device ay ginamit sa panahon ng pagpapatupad ng pag-aresto.