Makikipag-ugnayan ang Quezon City government sa National Housing Authority (NHA) para ilipat ang mga pamilyang nakatira sa tabi ng mga waterway at mga hazard-prone na lugar sa lungsod.

“The city will assist the NHA fulfill its mandate to relocate those living along danger zones. So no more lives will be lost as weather becomes more adverse as a result of climate change,” ani QC Disaster and Risk Reduction Management Office(DRRMO) Research and Planning chief Maria Bianca Perez nitong Lunes, Hulyo 18.

Ipinapatupad ng DRRMO ang pangakong ito bago ang pagkamatay ng dalawang informal settlers na nakatira sa ilalim ng tulay sa panahon ng flash flood noong Sabado.

“Parte ng binubuo nating DMP ang Disaster Risk Reduction and Management (DRMM) interventions kung saan ire-relocate natin ang mga pamilyang nakatira sa mga mapanganib na lugar at palalakasin ang ating early warning systems sa mga komunidad,” dagdag ni Perez.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Makikipagtulungan ang QCDRRMO sa Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) para sa paglipat ng mga pamilyang ito sa iba pang relocation site na itinatag at tinukoy ng pamahalaang lungsod.

Samantala, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na magbibigay ng tulong ang pamahalaang lungsod sa dalawang biktima na natagpuan ang bangkay sa Parkway Village sa Barangay Apolonio Samson at sa Barangay Bahay Toro.

“Taos-puso tayong nakikiramay sa pamilya at mahal sa buhay ng dalawa nating residente na nasawi sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan at biglang pagbaha nitong Sabado ,” ani Belmonte.

“Magpapaabot ang pamahalaang lungsod ng kailangang tulong sa mga naulila ng mga biktima, kabilang na ang tulong pinansyal at pansamantala nilang matutuluyan,” dagdag niya.

Allysa Nievera