Mahigit P5 milyong halaga ng ecstasy ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang controlled delivery operation sa Cebu City noong Lunes, Hulyo 18.

Sa isang pahayag, sinabi ng Bureau of Customs na isinagawa ang operasyon matapos nilang maharang ang halos 3,000 piraso ng ecstasy na nakatago sa isang pakete na idineklara bilang mga damit pambabae mula sa Netherlands.

Nakipag-ugnayan ang BOC sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na nagresulta sa pagkakaaresto sa claimant.

Ariel Fernandez

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho