Patay ang isang lalaki nang mahulog mula sa ika-16 na palapag ng isang condo tower sa Ermita, Manila nitong Martes ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilalang si Christian Stephen Sarmiento, nasa hustong gulang at residente ng Tower 3 ng isang kilalang condo building, na matatagpuan sa Adriatico St., sa Ermita, Manila.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nabatid na dakong alas-5:40 ngmadaling araw nang maganap ang insidente sa naturang condo tower.

Nakarinig na lang umano ang mga naka-duty na security guard ng malakas na kalabog at nang alamin ang pinagmulan nito ay nakita ang biktima na nagkabali-bali na ang mga buto sa katawan.

Isinugod pa umano ni OIC Security officer Chito Mundin Nopia sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktima ngunit patay na ito.

Metro

₱60 na taas-sahod sa NCR, iuurong sa Hulyo 25–DOLE

Iniimbestigahan pa naman ng mga otoridad kung nagpatiwakal, aksidenteng nahulog okung may naganap na foul play sa insidente.