Titiyakin ng liderato ng Kamara sa pamamagitan ng kanilang Medical and Dental Service (MDS) na maipatupad ang mahigpit na health protocols sa Hulyo 25 upang matiyak ang kaligtasan ng inaasahang 1,300 na panauhin sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Lahat ng indibidwal na papasok sa Batasan Complex ay dapat na negatibo sa Antigen test habang ang lahat ng papasok sa Plenary Hall ay dapat magpakita ng negatibong RT-PCR test result.

Sinabi ni MDS Director Dr. Jose Luis Bautista na kumpiyansa siya na ang SONA ay magiging ligtas mula sa Covid-19 virus basta't makikipagtulungan at makikiisa ang lahat upang masiguro ang minimum health protocols at iba pang safety requirements.

Imbitado sa SONA ang dating mga pangulo ng bansa, gaya nina Gloria Macapagal-Arroyo at Joseph Estrada. Hindi nabanggit kung imbitado rin ang mga dating pangalawang pangulo, tulad ni dating Bise Presidente Leni Robredo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente