Isang short but sweet na mensahe ang ipinaabot ni “Asia’s Limitless Star” Julie Anne San Jose para sa kaarawan ni Kapuso actor Rayver Cruz.

Hiningan ng mensahe n “All-Out Sundays”, isang musical variety show ng GMA, ang Kapuso singer para sa ika-33 kaarawan ni Rayver sa Miyerkules, Hulyo 19.

“Thank you so much for everything, for of course, being my anchor. Parang halos lahat meron ka na at palagi mo lang tatandaan na nandito lang kami para sa’yo. Nandito lang ako para sa’yo. I’m so proud of you. You just don’t know how proud I am,” nakangiting saad ni Julie.

“I just want you to know, I feel the happiest when I’m with you. Nakakahawa talaga ‘yong energy niya,” dagdag ng singer.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Matatandaan na noong Marso, sa mismong birthday party ni Julie, ay buong tapang na ipinahayag ni Rayver ang kaniyang intensyong maging bahagi ng buhay ni Julie bilang partner.

“Gusto ko lang sabihin is nandirito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal. Kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at Tita, palagi lang akong nandito. Mahal kita. Happy birthday,”kinakiligang mensahe ng aktor kay Julie sa harap mismo ng Kapuso singer, pamilya at mga kaibigan.

Basahin: Intimate birthday party ni Julie Ann San Jose, star-studded! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ngayong 2022 unang maiulat ang espesyal na ugnayan ang dalawa. Noong Abril, nagkatrabaho sina Rayver at Julie sa kamakailang “Limitless” concert ng singer.