Naging daan para kay Herlene "Hipon Girl" Budol ang Binibining Pilipinas para madiskubre ang kaniyang purpose na hindi lang aniya sa pisikal na anyo nakabatay.

Masayang ibinahagi ng aspiring beauty queen sa kaniyang social media ang pagbisita at pagpapasaya niya sa ilang seniors at children with special needs kamakailan bilang bahagi ng kaniyang adbokasiya bilang isang beauty queen.

“Napaka priceless ang feeling kapag gumawa ka ng mabuti para sa ibang tao,” mababasa sa post ni Herlene habang pinasalamatan din niya ang kaniyang manager na si Wilbert Tolentino.

Kilalang malapit sa kaniyang lolo at lola si Herlene, na tumayong mga magulang niya ng mahabang panahon kaya’t hindi kataka-takang elderly care ang isa sa mga adbokasiya ng kandidata ng Angono, Rizal.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Bonus nalang kung palarin si ‘Hipon Girl’ nyo kung maka sungkit ng isang korona. Manalo man o matalo ako sa patimpalak. atleast masasabi ko sarili ko na worth [it] etong pagsali ko sa pageant. Thank you Lord sa lahat ng blessings na tinatamasa ko ngayon,” dagdag ni Herlene.

Noong Hunyo lang pumanaw ang kaniyang “Lola Bireng” dahil sa kidney failure at iba pang komplikasyon.

Basahin: Hipon Girl, nagluluksa, masama ang loob sa pagpanaw ng kanyang ‘Nanay Bireng’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kaya naman hiling ni Herlene sa kaniyang lola, “Sana proud ka sa mga achievement ko. Mahal na mahal kta at gagawin ko etong inspirasyon at gagalingan ko performance ko sa darating na coronation night.

Sa Hulyo 31 gaganapin ang grand finals ng Binibining Pilipinas.