Hindi patutsada ang pinakawalan ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon laban kay Senador Robinhood “Robin” Padilla sa mungkahi nitong isalin sa wikang Filipino ang mga batas at court orders, para sa mga hindi gaanong nakauunawa sa wikang Ingles.

"I agree with Sen. Robinhood, all laws and court orders must have (a) Filipino translation," ayon sa tweet ni Guanzon, Lunes ng hapon, Hulyo 18.

National

Marce, nag-landfall na sa Sta. Ana, Cagayan!

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1548961569740320768

Matatandaang sinabi ng senador na hindi pantay ang pagkakagamit sa wikang Ingles at wikang Filipino, na ayon sa Konstitusyon ay parehong wikang opisyal ng Pilipinas (Artikulo XIV Seksyon 7).

“Sa karanasan ko po, hindi nagagamit yung Filipino, laging English lang. Katulad sa batas natin ‘pag lumalabas ang batas natin, English. ‘Pag sa korte, ‘pag nasentensyahan ang tao, English ang binabasa,” ani Padilla.

“Parang hindi patas para doon sa mga kababayan natin na ‘di ko naman sinasabing hindi nakakaintindi ng English ano, kundi masyado kasing yung may kinalaman sa batas, yung mga English niyan masyadong hindi mo talaga din maitindihan. Kailangan na talagang magkaroon ng parehas na pagtrato sa salitang Filipino at English,” dagdag pa ni Padilla.

Kaya naman panawagan niya sa publiko, huwag matakot mag-request o humiling ng mga dokumentong nakasalin sa wikang Filipino, sa mga transaksyong pampamahalaan at maging pampribado man. Ito ay karapatan ng bawat Pilipino, ayon na rin sa Saligang-Batas.

"Huwag dapat matakot ang kababayan nating mag-request. Kasi siyempre minsan nasanay tayo, masyado tayong Inglisero, masyado tayong Amboy. Dapat masanay tayong Pilipino na hingin ‘yan. Hingin n'yo.”

Sa kabilang banda, ito ang unang beses na umayon si Guanzon kay Padilla. Matatandaang nagpatutsada si Guanzon laban kay Padilla at sinabing hindi niya ito iboboto dahil naniniwala siya aniyang hindi ito kuwalipikadong maging senador.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/05/guanzon-hindi-iboboto-si-robin-maawa-kayo-sa-pilipinas/">https://balita.net.ph/2022/02/05/guanzon-hindi-iboboto-si-robin-maawa-kayo-sa-pilipinas/

Wala raw alam si Robin patungkol sa economic issues ng bansa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/06/guanzon-nagpasaring-sa-aktor-na-hindi-iboboto-ignorante-raw-sa-economic-issues/">https://balita.net.ph/2022/02/06/guanzon-nagpasaring-sa-aktor-na-hindi-iboboto-ignorante-raw-sa-economic-issues/

Maayos namang sumagot dito si Robin.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/05/robin-sumagot-kay-guanzon-hindi-ko-po-hinihingi-ang-boto-nyo/">https://balita.net.ph/2022/02/05/robin-sumagot-kay-guanzon-hindi-ko-po-hinihingi-ang-boto-nyo/

Si Senador Robinhood Padilla ang nangunang senador sa nakaraang halalan; pumalo ng mahigit 30 milyon ang nakuha niyang boto mula sa mga taong naniwala sa kaniyang kakayahan, maituturing man siyang bagito sa larangan ng politika.