Hindi umano naging marahas at madugo ang naganap na EDSA People Power I sa pagpapatalsik sa puwesto kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. dahil na rin umano sa desisyon nito, ayon sa aktor na si Cesar Montano, na siyang gumanap bilang dating pangulo sa pelikulang 'Maid in Malacañang'.

"Naging bloodless ang revolution hindi dahil sa kagagawan ng mga tao; dahil ito sa desisyon (ni dating Pangulong Ferdinand Marcos). Pinili niya na 'Huwag na… nating saktan'," ani Montano.

"Iba po itong last 72 hours of Marcoses in Malacañang na nakuha kong idea. It was totally different. I'm not saying 100% na kabaliktaran but… it has empirical evidences and proof. Totoo po, based on facts."

Iba raw umano ang pagkakalarawan sa Marcoses noong 80s.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

"Iba po ang pagkaka-describe sa mga Marcoses during… the 80s before they left… tao po sila na may puso," giit pa ng aktor.

Aminado naman ang award-winning actor na hindi naging madali sa kaniya ang pagganap bilang si dating Pangulong Marcos. Sa kabilang banda, isang malaking karangalan din umano ang magampanan ito.

“Nakakatuwa po and it’s a great honor for me para maging part ng pelikulang ito," aniya.

“To play Ferdinand Edralin Marcos, it’s not an easy task for an actor, so paano, paano ko nga ba talaga bibigyan ng justice ito, yun ang passion ko ang ma-challenge sa ganiyang mga klaseng role."

Bukod sa paghahanda sa kaniyang karakter, inihanda na rin ni Montano ang kaniyang kalooban sa posibleng bashing na matanggap niya mula sa mga tao, dahil sa masyadong kontrobersiyal ang kanilang mga papel na ginagampanan.