Marami raw natutuhan ang aktor na si Diego Loyzaga sa pagiging bahagi ng pelikulang 'Maid in Malacañang', nang matanong siya tungkol dito sa ginanap na grand media conference ng pelikula ni Direk Darryl Yap noong Linggo, Hulyo 17, sa Manila Hotel.
Masasabi ni Diego na isa siyang Marcos apologist noon pa man, batay na inihayag na rin niya sa isang pagtitipon noong Hunyo, kaugnay ng Araw ng Kalayaan.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/13/diego-loyzaga-proud-marcos-loyalist-masayang-gaganap-bilang-bbm/">https://balita.net.ph/2022/06/13/diego-loyzaga-proud-marcos-loyalist-masayang-gaganap-bilang-bbm/
Sa pagiging bahagi umano ng pelikula, mas nakilala umano ni Diego ang pamilya Marcos at narinig ang kanilang panig.
"I know much to very little of Philippine history and I learned a lot because of this movie… I also learned another side of the Marcoses… How were they as a family? How were they as human beings? What was their dynamic at home in Malacañang?" ani Diego.
"I got to see both sides of the coin and for me, it was very beautiful because I got the chance to portray it (batang Bongbong Marcos)," dagdag pa ni Diego.
Ayon pa sa aktor, napagtanto niyang puro one-sided lang ang mga dokumentaryo sa YouTube patungkol sa pamilya Marcos. Bahagi ito ng kaniyang pag-aaral sa karakter ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na kaniyang ginampanan sa pelikula. Ang kaniyang amang si Cesar Montano ang gumanap na dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.
Mapapanood na ang 'Maid in Malacañang' sa darating na Agosto, sa mga cinema worldwide.