Bagaman napanuod na ang back to back na pag-ere ng “It’s Showtime” at “Lunch Out Loud” sa TV 5 simula noong Sabado, Hulyo 16, hindi pa rin ito naging dahilan para muling makausap ni Billy Crawford sina Vice Ganda at Anne Curtis.

Ito ang inamin ng LOL host na si Billy sa isang panayam ng TV 5 kamakailan, kasunod nga ng pagsasanib-puwersa ng dalawang noontime shows para sa mga manunuod.

Basahin: ‘It’s Showtime’ at ‘Lunch Out Loud’, sanib-puwersa na; mapataob kaya ang ‘Eat Bulaga?’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa kabila ng paggiit ng ilan na kompetisyon ang back to back na pag-ere ng dalawang programa, tinitignan naman ito ni Billy bilang isang oportunidad para lalong magpasaya sa mas maraming tao.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Samantala, inamin naman ni Billy na tanging si Vhong Navarro pa lang ang nakakausap niya kasunod ng muling pagkrus ng landas ng “It’s Showtime” sa bagong tahanan ng host na TV 5.

“Si Vhong nakausap ko. Nagtawanan kami. Sabi ko batiin niya ako,” pagbabahagi lang ni Billy.

Gayunpaman, kumpiyansa naman si Billy na muli niyang makakausap ang mga kaibigan lalo pa’t nasa isang industriya lang sila.

Taong 2020 nang mag-ober-da-bakod si Billy sa Kapatid network, kung saan una siyang lumabas sa programang “The Masked Singer.”

Sa online program na “Gabing Gabi na Vice” noong 2020, si Meme Vice ang unang nagpahiwatig sa noo'y nakatakdang paglipat ni Billy ng tahanan.

“I love you at gagalingan mo sa mga gagawin mong trabaho at alam mo, sa pamilya, ‘di ba, sa pamilya meron kang kapatid na lilipat ng bahay,” sey noon ni Vice.

“Pero hindi porke’t lilipat siya ng bahay, hindi mo na siya kapatid, hindi mo na siya kapamilya. Hindi mo na siya mahal,” dagdag niya.

Noong Oktubre 2020 inilunsad ang “Lunch Out Loud” na naging katapatan ng “It’s Showtime” sa tanghali.