Naniniwala umano ang TV personality na si RR Enriquez na hindi na dapat ipangalan pa sa mga yumaong dating Senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. ang "Ninoy Aquino International Airport" na dating "Manila International Airport o MIA.

Nagbigay ng komento tungkol dito si RR na itinuturing na "SawsaweRRa Queen" matapos niyang pabirong magbigay ng reaksiyon sa naging bardagulan nina Janine Berdin at DJ Loonyo, tungkol sa kumalat na meme na pinalitan ang pangalan ng paliparan sa "DJ Loonyo International Airport" at ginawa itong cover photo ni Janine sa kaniyang social media.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/13/dj-loonyo-international-airport-meme-na-cover-photo-ni-janine-berdin-inalmahan-ng-dancer/">https://balita.net.ph/2022/07/13/dj-loonyo-international-airport-meme-na-cover-photo-ni-janine-berdin-inalmahan-ng-dancer/

Biro pa nga ni RR, para wala nang pag-awayan, sa kaniya na lamang ito ipangalan.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/18/ako-na-lang-ilagay-nyo-rr-enriquez-nakisawsaw-sa-bardagulang-janine-berdin-dj-loonyo/">https://balita.net.ph/2022/07/18/ako-na-lang-ilagay-nyo-rr-enriquez-nakisawsaw-sa-bardagulang-janine-berdin-dj-loonyo/

Sa seryosong bahagi, inilatag din ni RR na bagama't pro-Marcos siya o tagasuporta ng pamilya Marcos, naniniwala siyang huwag na lamang ipangalan sa ama ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang paliparan.

"On a serious note I am a Pro-Marcos alam n'yo 'yan, isa ako sa mga tagapagtanggol at nakikipagbardagulan kapag may mga haters sila obviously."

"But in my own honest opinion, since we want to portray the image of unity, maybe let’s not put the name Marcos International Airport coz it will only divide us… Kasi marami pa rin hindi mag-aagree. Marami rin may ayaw ng Ninoy Aquino International airport… Kaya tanggalin na talaga ng wala na tayo pinagtatalunan," aniya.