Dismayado ngayon si Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao, Jr. sa mga rebelde kasunod ng pananambang sa mga pulis sa hangganan ng San Jose de Buan at Gandara, Samar nitong Sabado.

Binatikos din ni Danao ang lakas ng loob ngCommunist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ma maisulong ang usapang pangkapayapaan na ilang beses ng naaantala.

“You (CPP-NPA) are now talking about peace talks.Anongklaseng peace talks 'yan?Alam niyo kung puwede lang baligtarin, ako anga-ambushmismo sa inyo sa totoo lang. Nakakasama ng loob. Alam niyo itong 'yung mgastatement naayaw ko sana sabihin kasi nakakaiyak," pahayag niDanao nang dumalo sa flag-raising ceremony sa Camp Crame, Quezon City nitong Lunes.

Nitong Hulyo 16, patungo na sana ang grupo ng mga pulis sa isanghumanitarian activity sa boundary ng Barangay San Nicolas sa San Jose de Buan, at Brgy. Mabuhay Gandara nang pagbabarilin sila ng 10 rebelde.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Napatay sa limang minutong sagupaan si Patrolman Mark Monge.

Danao, meanwhile, condoled with the family of the slain police officer.“Kapag kayo ang gagawa ng kalokohan, walanghuman rightspero kapag pulis ang pinatay niyo wala rinhuman rights. Our people there trying to give assistance to those who are in need, medical assistance in whatever capacity that they can do (but) unfortunately, you ambushed them,” ayon pa sa heneral.

Ang CPP-NPA ay itinuturing ngUnited States, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, at ng Philippines na terrorist organization.