ASIPULO, Ifugao – Naging best practice na ng Ifugao Provincial Police Office na sa tuwing anibersaryo ng kanilang police class, ito ay kanilang ipinagdiriwang ng may mas malaking layunin.

Ang Class of 2016 Makatindig (Maaasahang Kapulisan na Tinalagang May Dangal, Integridad at Gawa) at Matindig (Mandirigmang Tagapagtanggol ng Inang Bayan na may Dangal sa Isip at Gawa) ay nagdiwang ng kanilang ika-6 na taong anibersaryo sa serbisyo at pinili nilang ipagdiwang ito nang may kabuluhan na may iisang layunin, na tumulong sa mga walang pribilehiyo.

Ang napiling benepisyaryo ng “Pabahay Project” at ng “Kapwa Ko Sagot Ko” Program ng PNP bilang tugon sa Covid-19 pandemic ay si Rodolfo Pinkihan Sr., 64, isang solo parent na may 3 anak.

Siya ay bulag mula noong siya ay apat na taong gulang at nakatira sa isang lumang maliit na bahay na may sira na ang mga dingding na gawa sa rattan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang pagsasakatuparan ng proyekto ay resulta ng Class Determination and Camaraderie na sinuportahan ni Col. James Mangili, provincial director; Asipulo Municipal Police Station sa pangunguna ni Lt. Jackson Nginhena at mga supportive community ng Barangay Haliap, Asipulo, Ifugao sa pangunguna ni Barangay Captain Lawrence Putac.

Matapos ang sampung araw ng pagsusumikap, ang bagong gawang konkretong bahay na nagkakahalaga ng P80,000, na mula sa mga bulsa ng kapulisan ay nai-turn over kay Pinkihan, Sr. at pamilya sa pamamagitan ng simpleng house blessing ceremony noong Hulyo 15.

Bahagi rin ng kanilang selebrasyon ang interbensyon ng komunidad ng kapitbahayan na nakatuon sa pag-abot sa mga kapus-palad na pamilya sa Munisipyo ng Aguinaldo, Ifugao.

Noong Hulyo 9, inabot nila ang tatlong napiling benepisyaryo, ang una ay si Dalisa Nabban, 37, single mother ng limang anak na nagtatrabaho bilang katulong sa palayan. Nakatanggap siya ng mga kagamitan sa kusina, damit, grocery packs at P1,000 cash.

Pangalawang benepisyaryo si Jun Polista 33, isang dialysis patient mula noong 2021 ay nakatanggap ng grocery packs at P3,000 cash assistance para sa kanyang mga gamot at panghuli, si Rhea Hither, 47, solo parent na may apat na anak, diagnosed na may Invasive Carcinoma, Left Breast Cancer Stage IV (Pleural) at sumailalim sa serye ng major surgical operation ay nakatanggap din ng grocery pack at P3,000 cash assistance at may kabuuang P15,000 sa kabuuan.