Hindi makapaniwala ang mga netizen sa nakita nilang larawan ng isang pirasong maliit na pandesal at nagkakahalaga raw ng 2 piso, ayon sa nagbahagi nitong si "Eg Gaspar".

Ibinahagi ito ni Gaspar sa Facebook page na "What's your ulam pare?" kaugnay na rin ng balitang magtataas ng presyo ang mga produktong tinapay, dahil sa pagtaas naman ng presyo ng itlog at harina.

"Ganito na pala ang hitsura ng ₱2.00 pandesal," caption ni Gaspar sa kaniyang ibinahaging larawan.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Larawan mula sa FB/What;s your ulam pare via Eg Gaspar

Makikita ang bulilit na piraso ng pandesal sa isang kutsara. Makikitang mas malaki pa ang biluhabang bahagi ng kutsara kaysa sa pandesal na nasa ibabaw nito.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"As a baker, mahirap na talaga magtinda ng murang bread ngayon especially mga special bread pa. Mahal na talaga lahat. Asukal pa lang almost 100 na per kilo, flour super mahal na rin. Lahat naman tumaas na ngayon so wag tayo mag-expect lalo na sa mga small entrepreneur na magbenta pa rin ng mura. Ito na ata yung new normal."

"Tawag diyan 'mini bite size pandesal' hahaha."

"With the current inflation, don't expect products to be the same price with the same quality or quantity. One will be compromised, remember that they're a business not a charity."

"Doble na rin po kasi ang halaga ng harina ngayon at ibang sangkap sa paggawa."