Aminado si Manay Lolit Solis na isa siyang pasaway na pasyente dahilan para maging todo-bantay ang kaniyang mga doktor sa kaniyang kondisyon.

Hindi man ibinahagi ng batikang entertainment columnist ang eksaktong karamdaman nito ay tila isang open secret sa mga kaibigang patuloy na medikasyon.

Kaya laking pasasalamat si Manay Lolit sa ilang malalapit na kaibigan na patuloy ang pag-aalala, at pag-aalaga sa 75-anyos na celebrity host.

Nitong Lunes, Hulyo 18, balik-trabaho na rin si Manay Lolit sa kaniyang programa sa YouTube sa kabila nga dinaramdang karamdaman.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Saka siyempre ngayon ko feel na love ako ng mga angel ko sa Heaven dahil heto alive and maldita parin ako, hah hah. Pero no joke, pray for my recovery ha, ang hirap ng ma ysakit. Gusto ko Superwoman ako, at the age of 75 ha, grabe noh, spoiled talaga. Amen,😇”mababasa sa Instgaram post ni Manay Lolit.

Si Manay Lolit ay ilang dekada nang kilalang celebrity personality sa Philippine showbiz. Siya ay nagsilbing host sa ilang programa sa telebisyon.

Kasalukuyan ding talent manager ng ilang stars si Manay Lolit kabilang na si Kapuso actor Paolo Contis.