Naaliw ang maraming netizens nang muling mag-astang live reporter si Kaladkaren Davila matapos maipit sa isang gulo sa pagitan ng mga lasing na parokyano ng isang bar sa Quezon City.

Kagaya ng kayang iniidolong ABS-CBN broadcast journalist na si Karen Davila, matalas na may kasamang wit na iniulat ni Kaladkaren ang mga ganap sa nasabing insidente sa pamamagitan ng isang TikTok video.

Biro ng komedyana, “kapag may inuman, may bugbugan.”

Naispatan din sa isang minutong TikTok content ang Darkabads Eat Bulaga host na si Allan K.

Tsika at Intriga

Kailangan na ulit mag-artista? Kris Bernal damang-dama hirap ng pagpapagawa ng bahay

“Medyo nagkakabatuhan na po ng bote. Hindi po naming alam kung anong pumasok sa kanilang kokote at uminit ang mga ulo ng mga parokyano ng isang bar dito Quezon City,” maririnig na sabi ni Kaladkaren sa kaniyang tila live report.

“Dasal po naming na maging maayos ang sigalot na ito at bukas pagkagising nila with hangover ay maging payapa po ang kanilang buhay. Ako po si Kaladkaren Davila at ito ang, may inuman,” dagdag ni Kaladkaren.

Ikinaloka ng maraming followers ang paandar ni Kaladkaren dahilan para tumabo na ng mahigit 19,000 heart reaction at mahigit 154,000 views ang naturang TikTok video.

“Nakakaloka yung exclusive! Hahahahaha,” sey ng isang follower ni Kaladkaren.

“HAHAHAH THIS IS SO BAYAN PATROLLER!!” komento ng isa pang netizen ukol sa nag-viral noon na “Bayan Patroller” video ni Kaladkaren habang nag-uulat sa isang ilog sa Tanay, Rizalna naging hudyat din ng pagsikat ng impersonator ng broadcast reporter.

“Naaamaze pa din talaga ako kung gano mo kaboses at kamukha si karen davila ang galeng hahaha”

“When you want to chill out a little, pero may biglaang report Hahaha”

“HAHAHAHAHAHA OMG KALADKAREN GANYAN DAPAT MGA BALITA MO HAHAHAHAAHAH”