Talaga umanong pinaglalaanan ng oras at pera ni Kapamilya singer at tinaguriang "Fearless Diva" na si Jona Viray ang pag-aalaga sa kaniyang aso at pusa dahil iba raw ang dulot na self-fulfillment nito sa kaniya.

Ayon sa panayam ng isang pahayagan, may budget umano siyang ₱70K buwan-buwan para sa mga alaga niyang aso at pusa, na aabot na sa 70. Karamihan daw sa kanila ay mula sa mga narescue nilang aso at pusa sa kalsada.

Ginawan umano ng paraan ni Jona na mapagkasya sa kanilang bahay ang mga aso at pusa.

Bukod sa ₱70K, may budget din siya kapag nagkasakit ang mga ito at kailangang itakbo sa veterinary clinic.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Aminado ang singer na hindi madali ang pag-aaruga ng 70 hayop, subalit kinakaya niya dahil sa kasiyahan at self-fulfillment na dulot sa kaniya nito.

Wala umanong ibang nilalang na magmamalasakit sa mga hayop kundi ang mga tao, na marunong mag-isip at may damdamin para sa lahat ng kapwa nilalang sa mundo.

Sa kaniyang naging showbiz hiatus, isa sa mga naging dahilan ni Jona ay ang pag-aasikaso sa kanilang ipinatayong animal shelter.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/04/jona-viray-nagpatayo-ng-animal-shelter-para-sa-kanyang-higit-70-rescued-cats-and-dogs/">https://balita.net.ph/2022/02/04/jona-viray-nagpatayo-ng-animal-shelter-para-sa-kanyang-higit-70-rescued-cats-and-dogs/

Ginamit din ito ni Jona upang mas mapalakas pa ang kaniyang relasyon sa Diyos.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/24/jona-viray-nasaan-na-nga-ba-ive-made-it-a-point-to-spend-quiet-time-with-god-nature-and-myself/">https://balita.net.ph/2021/10/24/jona-viray-nasaan-na-nga-ba-ive-made-it-a-point-to-spend-quiet-time-with-god-nature-and-myself/