Natututo nang mag-budget ang Kapamilya actor na si Enchong Dee dahil sa umano'y mataas na presyo ng mga bilihin sa bansa.

Ibinahagi ng aktor saisang Instagram post noong Hulyo 16 ang binili niyang pagkain na kailangan lamang niya.

"I’m learning to budget myself better.I went to one of my favorite weekend market, nabili ko yung mga kailangan ko sa bahay at may kasama pang dessert. Lahat to sa halagang ₱625," sey ni Enchong.

"Sharing your#budgetarianmoves can help ease the inflation we’re all experiencing," dagdag pa niya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Hinihikayat niya ang kaniyang mga followers na i-share rin sa kaniya kung paano nila ginagastos ang kanilang hard earned money pagdating sa grocery.

Nauna nang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang mas mataas na presyo ng mga pangunahing pagkain at pagbaba ng halaga ng piso ay kabilang din sa mga inflationary pressure sa buwan ng Hunyo.

Dagdag pa ng BSP, patuloy nitong susubaybayan sa hinaharap ang pagtaas ng presyo upang bigyang-daan ang napapanahong interbensyon.

“Looking ahead, the BSP will continue to closely monitor emerging price developments to enable timely intervention to arrest emergence of further second-round effects, consistent with BSP’s mandate of price and financial stability,” pahayag ng BSP.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/01/inflation-sa-buwan-ng-hunyo-inaasahang-papalo-sa-5-7-hanggang-6-5/