Humingi ng tawad ang kontrobersiyal na aktres na si Ella Cruz sa mga historyador na nasaktan o nasaling umano sa pahayag niyang ‘History is like tsismis’, na nagpabulabog sa lahat, lalo na sa mga guro at propesyunal na nagtuturo, may interes, at may kaugnayan sa kasaysayan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/02/history-is-like-tsismis-ella-cruz-ibinahagi-ang-natutuhan-bilang-irene-marcos-sa-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/07/02/history-is-like-tsismis-ella-cruz-ibinahagi-ang-natutuhan-bilang-irene-marcos-sa-maid-in-malacanang/

Sa ginanap na grand media conference para sa pelikulang "Maid in Malacañang" nitong Linggo, Hulyo 17 sa Manila Hotel, hindi naman daw intensiyon ni Ella na ma-offend ang mga historyador gaya nina Ambeth Ocampo, Xiao Chua, at iba pa. Gumanap si Ella bilang batang Irene Marcos.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/03/filipino-historian-ambeth-ocampo-nilektyuran-si-ella-cruz-tungkol-sa-history/">https://balita.net.ph/2022/07/03/filipino-historian-ambeth-ocampo-nilektyuran-si-ella-cruz-tungkol-sa-history/

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Yung mga historians po, hindi ko naman kayo meant na ma-offend sa sinabi ko. Of course I respect all the professionals po. Pero ito po kasi yung pagkakakilala ko personally sa ating Senador Imee Marcos," ani Ella na iginiit na iba ang nabasa niya sa mga libro noon tungkol kay Senadora Imee, kaysa sa nakilala at nakasalamuha na niya ito ngayon.

"Ang topic in school po na nakilala ko sila dahil siyempre kasama 'yun sa pinag-aaralan ko sa school. Pero after po, doon ko nakita na 'Uy totoong tao sila' na may mga hindi tama sa mga nababasa natin."

Nakita raw ni Ella kung gaano kamahal ng senadora ang kaniyang pamilya.

Mapapanood ang pelikulang "Maid in Malacañang" sa Agosto 3.